Pag-Ibig

Katulad mo'y isang batis na kay linis

Sa pag-ibig, ang puso'y walang kaparis
Huwaran ka ng tunay na pag-ibig

Araw-gabi, ikaw ang aking pangarap

Na makamit ang puso mong walang katulad
Sana'y maging dapat ang aking pagliyag

'Di ko malaman ang aking gagawin
'Pag 'di ko nasilayan kahit saglit man lang
Ang mukha mong kay gandang pagmasdan

Sa tuwinang kita'y aking namamasdan

Puso ko'y nalulunod sa labis na kaligayahan

Nagbibigay-kulay sa aking nagdaan

Kailan kaya makakamtan yaring pagmamahal?

Labis na ang hirap ng puso kong nauuhaw

Sa labis na pag-ibig sa 'yo, aking mahal

'Di ko malaman ang aking gagawin
'Pag 'di ko nasilayan kahit saglit man lang
Ang mukha mong kay gandang pagmasdan



Credits
Writer(s): Aguilar Freddie
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link