Ikaw Ba Ay Pilipino

Ikaw ba ay Pilipino?
Ba't ganyan ang ayos mo?
Ba't ganyan ang asal mo?
Ba't ganyan ang salita mo?

Naglakbay ka lang nang ilang taon
Nalimot mo ang iyong wika
Pati ang mga kilos mo
Ay 'di na kilos ng Pilipino

Ano ba naman ang nangyari sa 'yo?
Ba't nagbago pati utak mo?
Daig mo pa ang isang hangal sa inaasal mo

Ikaw ba ay Pilipino?
Ba't ganyan ang ayos mo?
Pati buhok mo'y kinulayan mo
Binabago mo ang iyong anyo

Naglakbay ka lang nang ilang taon
Nalimot mo ang iyong bayan
Pati ang mga ugali mo
Ay 'di na ugaling Pilipino

Ano ba naman ang nangyari sa 'yo?
Ba't nagbago pati utak mo?
Daig mo pa ang isang hangal sa inaasal mo



Credits
Writer(s): Aguilar Freddie
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link