Hari Ng Kalye

Hari ng kalye, hari ng kalye
Hari ng kalye, hari ng kalye
Hari ng kalye

Kung lumakad siya'y hari ng kalye
Pasalit-salit kung gumiri sa jeepney
Puso niyang 'sing tigas ng aspalto
Laman ng kalye umaraw, bumagyo

Anong gara niyang pagmasdan
Sa pakikipagpatentero sa sasakyan
Alikabok siya ng ating lipunan
Nag-aagaw buhay para maghanap-buhay

Hari ng kalye, hari ng kalye
Hari ng kalye, hari ng kalye
Hari ng kalye

Ang kaaway niya'y ibang barkada
Hari din ng kalye kung pumorma-porma
Pinagtatalunan nila'y tungkol sa daan
Pero kadalasan paastig-astig lang

Galit siya sa mundo, galit sa mayayaman
Galit sa pulis, galit sa mayayabang
'Di niya alam ang tunay na kalaban
Silang may sanhi ng kahirapan

Hari ng kalye, hari ng kalye
Hari ng kalye, hari ng kalye
Hari ng kalye

Ang sabi ng ale, "Dapat siya'y nag-aaral"
Ang sabi ng mama, "Dapat siya'y inaruga"
Kawawang bata, pabayang magulang
Wala namang tumutulong, pulos, daldal

Nandiyan lang sila na parang dyaryo
Makikita araw-araw, bukas, 'di na bago
Ang buhay nila kung ihahambing mo
Isang hithit lang, upos nang sigarilyo

Ang sabi ng ale, "Dapat siya'y nag-aaral"
Ang sabi ng mama, "Dapat siya'y inaruga"
Kawawang bata, pabayang magulang
Wala namang tumutulong, pulos, daldal

Hari ng kalye, hari ng kalye
Hari ng kalye, hari ng kalye
Hari ng kalye



Credits
Writer(s): Noel Cabangon, Reuel Aguila
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link