Simpleng Musikero

Ibig kong iguhit ang larawan mo sa aking awit
At kukulayan ng himig at ng dalisay kong pag-ibig
Iguguhit kita sa lona ng aking musika
At ang pinsel ng makata ang huhubog sa 'yong ganda

Kahit 'di ako pintor na gumuguhit ng obra
Kahit 'di isang makata na sumusulat ng tula
O 'di kaya'y isang iskultor na inuukit ang likha
Ako'y isang simpleng musikero

Ibig kong iguhit ang ningning ng 'yong titig
At hahagurin ng tinig ang mga labi mong kay tamis
At aawitin ko ng buong puso ang larawan mo
Itatanghal kong obra, likha ng pag-ibig ko

Kahit 'di ako pintor na gumuguhit ng obra
Kahit 'di isang makata na sumusulat ng tula
O 'di kaya'y isang iskultor na inuukit ang likha
Ako'y isang simpleng musikero

Kahit 'di ako pintor na gumuguhit ng obra
Kahit 'di isang makata na sumusulat ng tula
O 'di kaya'y isang iskultor na inuukit ang likha

Kahit 'di ako pintor na gumuguhit ng obra
Kahit 'di isang makata na sumusulat ng tula
O 'di kaya'y isang iskultor na inuukit ang likha
Ako'y isang simpleng musikero



Credits
Writer(s): Noel Cabangon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link