Aanhin pa

Kailangan bang
Laging hadlang
Sa tunay na pag-ibig
Ang ikaw ay mayaman o mahirap?

Ang daigdig mo
At daigdig ko
Ay pipilitin kong pag-abutin
Para sa pag-ibig natin

Aanhin ba ang yaman at lahat?
Kung wala namang pag-ibig na tapat
At para sa'n pa ang aking pagsisikap?
Kung alam kong 'di mo ako matatanggap

Ang daigdig mo
At daigdig ko
Ay pipilitin kong pag-abutin
Para sa pag-ibig natin

Aanhin ba ang yaman at lahat?
Kung wala namang pag-ibig na tapat
At para sa'n pa ang aking pagsisikap?
Kung alam kong 'di mo ako matatanggap



Credits
Writer(s): Valera Rey, Magallanes Estela
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link