Di ko sinasadya

Masdan mo ako, magagalit ka ba?
May nagawa o may nasabi ba ako?
Na para sa 'yo'y hindi mo gusto
'Di mo ako kinikibo

At dapat pa ba na ako'y magdusa?
Pasensya ka na 'pagkat ang mawala ka'y di ko kaya
May nasabi man ako sa 'yong 'di tama
'Di ko ito sinasadya

Ako'y nahihirapan 'pag 'di mo pinapansin
'Di ko alam kung papa'no kita susuyuin
At kung may nasabi man ako sa 'yong nasaktan ang loob mo
Pasensya ka na 'pagkat 'di ko ito sinasadya

Credits
Writer(s): Valera Rey
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link