Hindi Ko Na Kayang Masaktan Pa

Pinilit kong pigilin ang aking damdamin
Pagka't ikay di na dapat pang ibigin
Ikaw pala'y mayrong ibang minamahal
Habang ako'y sa'ting pagmamahalan lang sumakay

Akala mo ito'y malayo sa katotohanan
At ang puso mo'y nakalaan
Para sa akin lamang
Bulong ng aking isip ay wag kang magtiwala
Sigaw ng puso mo'y
Wag umasa sa maling akala

Hindi ko na kayang masaktan pa
Hindi na maaari pang ako'y gamitin na
Isang sunud-sunuran
Sa iyong mga kagustuhan
At halos ang lahat ay ibigay ko na...
Hindi ko na mapapayagan pa
Ang puso mo'y paglaruan
Nang puso kong gahaman
Ako'y iyong palayain at wag mo ng ibigin
Hindi ko na makakaya ang masaktan ka

Huwag mo na sanang patagalin
Wag mo na akong linlangin
Pagdurusang ito'y hindi na makakaya

Repeat (repeat)



Credits
Writer(s): Ogie Alcasid
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link