Buti Na Lang (di niya ako mahal)

Ngayon, naniniwala na ako
Ang lahat ay mayro'ng dahilan
Minsan, ang puso ko ay nagmahal
Ngunit nasawi, ako'y nilinlang

At nang makilala kita, puso ko'y muling sumaya
Tinulungan mo akong limutin siya

Buti na lang, hindi niya ako mahal
Buti na lang, pinagpalit ako sa iba
Kung 'di sana, hindi kita makikilala
Buti na lang, hindi niya ako mahal, oh-oh-oh-oh-oh

Ang sabi ko, "Ang laking malas ko naman"
Lagi na lamang bang masasaktan ang puso ko?
Kailan kaya sasagutin ng Diyos ang dasal ko?
'Yun pala, hindi siya ang dapat ibigin ko

Buti na lang, hindi niya ako mahal
Buti na lang, pinagpalit ako sa iba
Kung 'di sana, hindi kita makikilala
Buti na lang, hindi niya ako mahal

Buti na lang, hindi niya ako mahal



Credits
Writer(s): Aaron Paul Del Rosario
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link