Awit KO Sa Iyo

Asahan mong ako'y iyong makakapiling
Sa gabing ito may ningning
Ang mga bituin
At aawitan din kita
Upang malimot mo ang alaala
Na naiwan ng nakalipas na kahapon

Pagmasdan mo ang liwanag ng buwan
Awit ko sayo'y iyong pakinggan
At ang ihip ng hangin
Humihimas sa buhok natin
Sa ngiti mo'y nadarama ko ang kalangitan

Bahagi ka ng buhay ko
Pangarap ko sana'y magkatotoo
Magpakailanman ikaw at ako
Sisikat din ang araw
Makikita mo rin ang liwanag
At ang gabing ito'y di natin malilimutan

Pagmasdan mo ang liwanag ng buwan
Awit ko sayo'y iyong pakinggan
At ang ihip ng hangin
Humihimas sa buhok natin
Sa ngiti mo'y nadarama ko ang kalangitan

Pagmasdan mo ang liwanag ng buwan
Awit ko sayo'y iyong pakinggan
At ang ihip ng hangin
Humihimas sa buhok natin
Sa ngiti mo'y nadarama ko ang kalangitan

Bahagi ka ng buhay ko
Pangarap ko sana'y magkatotoo
Magpakailanman ikaw at ako
At ang ihip ng hangin
Humihimas sa buhok natin
Sa ngiti mo'y nadarama ko ang kalangitan



Credits
Writer(s): Verdeflor Cesar, Arenas Coritha
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link