Bakit 'Di Natin Ulitin

Ngayo'y tayo ay muling nagkita
Mayro'n pa bang nadarama?
Pag-ibig mo ba'y 'di nagbabago
Mula noong ako'y iwan mo?

Ako pa sana ngayon sa 'yong puso
At 'di pa rin naglalaho

Bakit 'di natin ulitin
Ang nagdaan sa buhay natin?
At baka magbalik ang dating pag-ibig
Alam ko namang mayro'n pang pag-asa
Maulit muli ang ating pagsasama
'Pagkat hanggang ngayon, sa puso ko ay narito ka, ah-ah

Kahit 'di mo pa sabihin
Nagbalik ka dahil nga sa akin (dahil sa 'kin)
Alam kong 'di ka sa kanya maligaya
'Di tulad no'ng tayong dalawa

Ako pa sana ngayon sa 'yong puso
At 'di pa rin naglalaho

Bakit 'di natin ulitin
Ang nagdaan sa buhay natin?
At baka magbalik ang dating pag-ibig
Alam ko namang mayro'n pang pag-asa
Maulit muli ang ating pagsasama
'Pagkat hanggang ngayon, sa puso ko ay narito ka, ooh

Bakit 'di natin ulitin
Ang nagdaan sa buhay natin?
At baka magbalik ang dating pag-ibig
Alam ko namang mayro'n pang pag-asa
Maulit muli ang ating pagsasama
'Pagkat hanggang ngayon, sa puso ko ay narito ka, ooh

Bakit 'di natin ulitin
Ang nagdaan sa buhay natin?
At baka magbalik ang dating pag-ibig
Alam ko namang mayro'n pang pag-asa
Maulit muli ang ating pagsasama
'Pagkat hanggang ngayon, sa puso ko ay narito ka



Credits
Writer(s): Saturno Federico A.
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link