Araw- Gabi

'Di biro ang sumulat ng awitin para sa 'yo
Para akong isang sira-ulong hilo at lito
Sa akin pang minanang piyano, tiklado'y pilit nilaro
Baka sakaling mayro'ng tonong bigla na lang umusbong

Tungkol saan naman kayang awitin para sa 'yo?
'Di biro ang gawing sukat ang titik sa tono
Sampu man aking diksyonaryo, kung ang tugma'y 'di wasto
Basta't isipin 'di magbabago, damdamin ko sa iyo

Araw-gabi, nasa isip ka
Napapanaginip ka, kahit sa'n magpunta
Araw-gabi, nalalasing sa tuwa
Kapag kapiling ka, araw-gabi tayong dalawa

Biruin mong nasabi ko ang nais kong ipahatid
Dapat mo lamang mabatid, laman nitong dibdib
Tila sampung daang awitin ang natapos kong likhain
Ito ang tunay na damdamin, tanggapin at dinggin

Araw-gabi, nasa isip ka
Napapanaginip ka, kahit sa'n magpunta
Araw-gabi, nalalasing sa tuwa
Kapag kapiling ka, araw-gabi tayong dalawa

Araw-gabi tayong dalawa
Araw-gabi, nasa isip ka
Napapanaginip ka (araw-gabi tayong dalawa)
Araw-gabi, nalalasing sa tuwa
Kapag kapiling ka, araw-gabi, araw-gabi

Araw-gabi, nasa isip ka
Napapanaginip ka, kahit sa'n magpunta
Araw-gabi, nalalasing sa tuwa
Kapag kapiling ka, araw-gabi tayong dalawa

Araw-gabi tayong dalawa (napapanaginip ka)
Araw-gabi tayong dalawa



Credits
Writer(s): Raymundo Cipriano P Cayabyab
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link