Basang-basa sa ulan

Ang buhay ko ngayo'y ibang-iba
Munti kong daigdig ay malawak na
Ngunit ako'y hindi pa rin natutuwa
Sa kinang ng kapalara'y nababalisa

Dumi at putik ba'y nahuhugasan
Ng bawat patak ng malakas na ulan?
Ang tubig, kung husto'y nakabubuhay
Kung labis, ang singil nito ay buhay

Heto ako, basang-basa sa ulan
Ulan ng kasikatan, 'di ko inaasahan
Ngunit may araw rin, lahat nito'y lilipas
Mapagkunwaring ligaya, kukupas at magwawakas

Ginawa akong bulag na nakakakita
At isang bingi na nakaririnig
Ngunit bulag muli kung sila'ng kaharap
At bingi kung sila ang nakakausap

Heto ako, basang-basa sa ulan
Ulan ng kasikatan, 'di ko inaasahan
Ngunit may araw rin, lahat nito'y lilipas
Mapagkunwaring ligaya, kukupas at magwawakas

Heto ako, basang-basa sa ulan
Ulan ng kasikatan, 'di ko inaasahan
Ngunit may araw rin, lahat nito'y lilipas
Mapagkunwaring ligaya, kukupas at magwawakas

Heto ako, basang-basa sa ulan
Ulan ng kasikatan, 'di ko inaasahan



Credits
Writer(s): Abenoja Celso
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link