Mahal Kita (Di Mo Pansin)

Labis ang pag-ibig
'Di mapigil ang damdamin
Maging sa panaginip
Sumasagi ka parati

At paano ba ito?
Simula sa paggising, lagi kang naiisip
Nahihirapan na nang ganito
Sawa nang manahimik, kailan ba masasabi
Na mahal, oh, mahal kita?
Oh, mahal, mahal na mahal kita
Ngunit 'di mo pa ko pansin

Sarili'y sinisisi
Tuwing nariyan ka na't 'di ko masambit
Ang pag-ibig na kinikimkim
Lalo na ngayo't ika'y katabi

Paano ba ito?
Simula sa paggising, lagi kang naiisip
Nahihirapan na nang ganito
Sawa nang manahimik, kailan ba masasabi
Na mahal, oh, mahal kita?
Oh, mahal, mahal na mahal kita
Ngunit 'di mo pa ko pansin

Oh, paano ba ito?
Simula sa paggising, lagi kang naiisip
Nahihirapan na nang ganito
Sawa nang manahimik, kailan ba masasabi
Na mahal, oh, mahal kita?
Oh, mahal, mahal na mahal kita
Oh, mahal, mahal na mahal kita
Oh, mahal, mahal na mahal kita
Ngunit 'di mo pa ko pansin



Credits
Writer(s): Francis Louis Salazar
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link