Dagli Na Lang

Na na na na na
Hmm

Dali-daling pinipigil
Mga luha t'wing gigising
Na wala ka na ngayon't 'di na muli sisikat
Ang isang araw na kapiling ka, tangan-tangan
Ang mga iniwan mong mga alaala

Bakit ba dagli na lang umaapaw
Ang mga luha buhat ng lumisan ka
Sadya nga bang pikit mata na magdurusa
Pa'no tatanggapin
Dagli na lang bumabalik ang nadarama
Dulot nga ng iyong pag-alis
Dagli na lang

Pinipilit itong isip
Na ibaon na lamang at limutin
Na wala ka na ngayon't 'di na muli sisikat
Ang isang araw na kapiling ka, tangan-tangan
Ang mga iniwan mong mga alaala

Bakit ba dagli na lang umaapaw
Ang mga luha buhat ng lumisan ka
Sadya nga bang pikit mata na magdurusa
Pa'no tatanggapin
Dagli na lang bumabalik ang nadarama
Dulot nga ng iyong pag-alis
Dagli na lang

Kung saan na nga ba babalik
May paraan pa bang ika'y limutin
Kung kaya ko lamang dagli ang mawala
Hindi na sana nagtiis ng kay tagal

Bakit ba dagli na lang umaapaw
Ang mga luha buhat ng lumisan ka
Sadya nga bang pikit mata na magdurusa
Pa'no tatanggapin
Dagli na lang bumabalik ang nadarama
Dulot nga ng iyong pag-alis
Dagli na lang
Bakit ba dagli na lang umaapaw
Ang mga luha buhat ng lumisan ka
Sadya nga bang pikit mata na magdurusa
Pa'no tatanggapin
Dagli na lang bumabalik ang nadarama
Dulot nga ng iyong pag-alis



Credits
Writer(s): Francis Louis Salazar
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link