Pagdating Ng Panahon

Alam kong hindi mo pansin, narito lang ako
Naghihintay na mahalin, umaasa kahit 'di man ngayon
Mapapansin mo rin, mapapansin mo rin

Alam kong 'di mo makita, narito lang ako
Hinihintay lagi kita, umaasa kahit 'di man ngayon
Hahanapin mo rin, hahanapin din

Pagdating ng panahon, baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y maging tibok ng puso mo
Sana nga'y mangyari 'yon, kahit 'di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin pagdating ng panahon

Alam kong hindi mo alam, narito lang ako
Maghihintay kahit kailan, nangangarap kahit 'di man ngayon
Mamahalin mo rin, mamahalin mo rin

Pagdating ng panahon, baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y maging tibok ng puso mo
Sana nga'y mangyari 'yon, kahit 'di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin pagdating ng panahon

'Di pa siguro bukas, 'di pa rin ngayon
Malay mo balang araw, dumating din iyon

Pagdating ng panahon, baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y maging tibok ng puso mo
Sana nga'y mangyari 'yon, kahit 'di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin pagdating ng panahon



Credits
Writer(s): Edith Gallardo, Moy Ortiz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link