Sa May Bintana

Lagi na lang akong dumudungaw sa may bintana
Upang masulyapan kahit anino mo man lamang
Nagbabaka-sakaling ikaw ay lumingon
Ano kaya itong aking nadarama?

Araw-araw, ako'y naghihintay sa may bintana
Nananalangin, sana'y hindi ka pa nagdaraan
Parang bumibilis tibok nitong puso
Pag-ibig ba itong aking nadarama?

Napupuyat sa kaiisip
Nababato't naiinip
Laging laman ng panaginip
'Di kayang magtiis, isang araw sa may bintana
Nang 'di kita masulyapan, makindatan man lamang
Tumitigil buong mundo sa t'wing ika'y magdaraan

Sa may bintana

Credits
Writer(s): Ryan Cayabyab
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link