Pag Natatalo Ang Ginebra

Sinusundan ko ang bawat laro
Ng koponan kong naghihingalo
Sa bawat bolang binibitaw
'Di mapigilang mapapasigaw

Kahit hindi relihiyoso
Naaalala ko ang mga santo
Oh, San Miguel, Santa Lucia
Sana manalo ang Ginebra

Sa Coliseum at Astrodome
Nakikisiksikan hanggang bubong
Nang-aalaska, nanggugulo
'Pag nagfifree throw ang katalo

Ang barangay ay nagdiriwang
Half-time ay kinse ang aming lamang
Cameraman, huwag mo lang kukunan
Si senador at congressman

Pagbigyan n'yo na ako
Paminsan-minsan lang ito
Gumaang ang nabibigatang puso
Pagbigyan n'yo na ako
Sa munting hilig kong ito
Kung hindi baka mag-away pa tayo

Nang second half ay mag-umpisa
Puro palpak ang tira nila
Offensive foul si Noli Locsin
At si Gayoso, na-traveling

Sa kakaibang shorts ni Jaworski
Ay ipinasok ang sarili
Kalagitnaan ng fourth quarter
Tabla ang score, 88 all

Drive ni Pido ay nasupalpal
Defense nila, na-technical
Parang gumuho ang aking daigdig
Nang maagawan si Bal David

Nang bumusina ng last two minutes
Three points ni Hizon ay nagmintis
Kunsumisyon ay nagpatong-patong
Graduate si Marlou at si Ong

Pagbigyan n'yo na ako
Paminsan-minsan lang ito
Gumaang ang nabibigatang puso
Pagbigyan n'yo na ako
Kahit na kahit paano
Sumaya ng bahagya itong mundo

24 seconds, lamang ng lima
Ang kalaban, bola pa nila
Dumidilim ang aking paningin
Ang tenga ko ay nagpapanting

Bumabalik sa aking isip
Ang nakaaway ko noong grade six
Parang gusto ko na'ng magkagiyera
'Pag natatalo ang Ginebra

Galit ako sa mga pasista
Galit ako sa imperyalista
Feel na feel kong maging aktibista
'Pag natatalo ang Ginebra



Credits
Writer(s): Gary Granada
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link