Uunahin Ko Kayo
Uunahin kita inay
Sa malubha mong karamdaman
Kakalungin sa bisig ko
Ang mahinang katawan
Magdamag kitang babantayan
Sa luksa't lumbay ng kadiliman
At ipapanalangin kong
Makita mo ang kariktan
Uunahin kita anak
Upang ika'y makapag-aral
At sa bawat layunin mo
Karamay sa pagpapagal
Sa kandungan ng kapayapaan
Sa landas ng pagkakapantay-pantay
Ihahanda ko ang daigdig
Sa masagana mong buhay
Mas mahalaga sa akin
Ang iyong kinabukasan
Ang mga mas pangunahin
Na mga pangangailangan
Ang pangarap ng marami sa mundo
Ay hindi ko hahayaang mabigo
Uunahin kita mahal
Sa munti nating tahanan
Dito sa lupang binubungkal
Lupang ating kinagisnan
At palagi kong pagsisikapan
Matagal na ating adhikain
Mga malayang sambahayan
Sa malayang lupain
Mas mahalaga sa akin
Ang iyong kinabukasan
Ang mga mas pangunahin
Na mga pangangailangan
Ang pangarap ng marami sa mundo
Ay hindi ko hahayaang mabigo
Uunahin kita mahal
Sa munti nating tahanan
Dito sa lupang binubungkal
Lupang ating kinagisnan
At palagi kong pagsisikapan
Matagal na nating adhikain
Mga malayang sambahayan
Sa malayang lupain
Uunahin ko, uunahin ko kayo
Sa malubha mong karamdaman
Kakalungin sa bisig ko
Ang mahinang katawan
Magdamag kitang babantayan
Sa luksa't lumbay ng kadiliman
At ipapanalangin kong
Makita mo ang kariktan
Uunahin kita anak
Upang ika'y makapag-aral
At sa bawat layunin mo
Karamay sa pagpapagal
Sa kandungan ng kapayapaan
Sa landas ng pagkakapantay-pantay
Ihahanda ko ang daigdig
Sa masagana mong buhay
Mas mahalaga sa akin
Ang iyong kinabukasan
Ang mga mas pangunahin
Na mga pangangailangan
Ang pangarap ng marami sa mundo
Ay hindi ko hahayaang mabigo
Uunahin kita mahal
Sa munti nating tahanan
Dito sa lupang binubungkal
Lupang ating kinagisnan
At palagi kong pagsisikapan
Matagal na ating adhikain
Mga malayang sambahayan
Sa malayang lupain
Mas mahalaga sa akin
Ang iyong kinabukasan
Ang mga mas pangunahin
Na mga pangangailangan
Ang pangarap ng marami sa mundo
Ay hindi ko hahayaang mabigo
Uunahin kita mahal
Sa munti nating tahanan
Dito sa lupang binubungkal
Lupang ating kinagisnan
At palagi kong pagsisikapan
Matagal na nating adhikain
Mga malayang sambahayan
Sa malayang lupain
Uunahin ko, uunahin ko kayo
Credits
Writer(s): Gary Granada
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
© 2025 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.