Hiwaga

Isang hiwaga hindi lahat mamamatay
Bibigyang buhay, babaguhin na tunay
Sa huling trumpeta, sa isang kisapmata

Nariyan na Ako
Nahanda Ko na ang Aking palasyo
Nananabik sa ating pagtatagpo

Isang umaga habang lahat ay abala
May mawawala, may mga magtataka
Makakasama ka ba o ikaw ba ay luluha

Nariyan na Ako
Nahanda Ko na ang Aking palasyo
Hindi na tayo magkakalayo

Sa ulap at himpapawid sasalubugin
At magpakailan pa ma'y lagi nang magkapiling

Nariyan na Ako
Nahanda Ko na ang Aking palasyo
Nananabik sa ating pagtatagpo

Nariyan na Ako
Nahanda Ko na ang Aking palasyo
Hindi na tayo magkakalayo



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link