Kuwento Ng Buhay

Ang lahat ng bagay ay may katapusan
Ang bawat saglit ay minsan lang dadaan
Ang bawat sinisilang ay tiyak na papanaw
Kaya't habang may buhay laging magmahalan

Kayong mga bata pakinggan niyo ako
Pagkat ako'y naging bata ring katulad niyo
Di ba niyo pansin dumadalas at dumidiin
Halik at yakap ng magulang natin
Ito'y pamamaalam na sila'y lilisan
At di na magbabalik magpakailanman

Kaya't unawain kanilang pangaral
Isaisip lagi ang kagandahang asal
Sila ay gawaran ng buong pagmamahal
Pagkat sa ating piling di sila magtatagal

Kayong mga tatay pakinggan niyo ako
Pagkat ako'y isang tatay ding katulad niyo
Di ba niyo alam na kay lungkot ng buhay
Ng mga batang ulila na sa magulang
Tungkulin natin na dapat iwasan
Ang magkasakit at maagang pumanaw

Kaya't alagaan ang iyong sarili
Huwag abusuhin araw man o gabi
Ang bisyo at luho ay dapat iwaksi
Mahabang buhay ang hangarin lagi

Ang lahat ng bagay ay may katapusan
Ang bawat saglit ay minsan lang dadaan
Ang bawat sinisilang ay tiyak na papanaw
Kaya't habang may buhay laging magmahalan



Credits
Writer(s): Rolly Cayabyab
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link