Tulala

Likas Kang taga-langit, ako nama'y likha sa lupa
Sinong maniniwala na sa aking mundo ay lumakad Ka
Hindi ko malimutan ng sambitin Mo ang aking pangalan
Sinong mag-aakalang ang tulad ko'y binilang na kaibigan

Ang kalangitan Iyong iniwan
Aking namasdan Iyong kaluwalhatian
At hanggang ngayon ako'y tulala
Sa pag-ibig Mong kamangha-mangha ooh

Ang bawat kilos Mo'y pinagmasdan, ang bawat salita pinakinggan
At sa huli ako'y niyakap at nangakong magkikitang muli

Ang kalangitan Iyong iniwan
Aking namasdan Iyong kaluwalhatian
At hanggang ngayon ako'y tulala
Sa pag-ibig Mong kamangha-mangha ooh

Nakita ng aking mga mata pagmamahal na pambihira
Nakita ng aking mga mata pagmamahal na pambihira

Ang kalangitan Iyong iniwan
Aking namasdan Iyong kaluwalhatian
At hanggang ngayon ako'y tulala
Sa pag-ibig Mong kamangha-mangha oh

Ang kalangitan Iyong iniwan
Aking namasdan Iyong kaluwalhatian
At hanggang ngayon ako'y tulala
Sa pag-ibig Mong kamangha-mangha ooh



Credits
Writer(s): Ogie Cayabyab
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link