Hulog Ka Ng Langit

Ilang beses na bang nasabi
Kahit ulit-ulitin pang sabihin
Hindi malubos ng salita
Pag-ibig ko sayo

Kung ang umaga kailangan ng araw
At ang gabi nama'y buwan at bituin
Ikaw tanging ikaw mahal
Ang buhay ko at hangin

Hulog ka ng langit
Sagot ka sa panalangin
Nilikha't ginawa para sakin ng Diyos
At dahil tayo ay iisa
Simula sa una at magpakailanman
Magmamahalan sinta

Kung ika'y nasaktan man puso'y nasugatan
Patawarin ako sa aking kahinaan
Hindi kita iiwan
Pangako hanggang wakas sasamahan

Hulog ka ng langit
Sagot ka sa panalangin
Nilikha't ginawa para sakin ng Diyos
At dahil tayo ay iisa
Simula sa una at magpakailanman
Magmamahalan sinta

Mahal kita, mahal na mahal kita
Ikaw lang wala ng iba

Hulog ka ng langit
Sagot ka sa panalangin
Nilikha't ginawa para sakin ng Diyos
At dahil tayo ay iisa
Simula sa una at magpakailanman
Magmamahalan sinta

Hulog ka ng langit (hulog ka ng langit)
Hulog ka ng langit (hulog ka ng langit)



Credits
Writer(s): Richie Cayabyab
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link