Paano Kita Mapapasalamatan

Paano kita mapasasalamatan
Sa puso mong sa 'kin naibigay?
Ngayon lamang ako nagmahal nang tunay
Sa tanang aking buhay

Sapat na bang ang ako ay mangako?
Mananatili ka dito sa aking puso
Paano kita mapasasalamatan?
Sapat na bang mahalin lang kita magpakailan pa man?

Ngayon lamang ako nagmahal nang tunay
Sa tanang aking buhay

Sapat na bang ang ako ay mangako?
Mananatili ka dito sa aking puso
Paano kita mapasasalamatan?
Sapat na bang mahalin lang kita? Sapat na bang mahalin lang kita?
Sapat na bang mahalin lang kita magpakailan pa man?

Magpakailan pa man



Credits
Writer(s): George Canseco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link