Langis At Tubig

Tubig at langis, ang katayuan nati'y 'yan ang kawangis
Pilitin mang magsama'y may mahahapis
Ganyan-ganyan tayong dalawa
Ang panuntuna'y magkaiba

Langis at tubig, 'di mapagsama ng tunay mang pag-ibig
Hinanakit ang s'yang laging mananaig
Mahal na mahal man kita
May mahal ka namang iba

Tubig at langis (ah)
Idarang man sa init, 'di rin tatamis
Dahil ang halo'y luha't paghihinagpis (paghihinagpis)
Ang kirot ay 'di maalis kung labis

Bakit nanaig ang dusa sa ligaya sa ating daigdig?
May dasal ba akong hindi n'ya narinig?
Papel natin sa pag-ibig
Ako'y langis, ika'y tubig

Ooh

Tubig at langis
Idarang man sa init, 'di rin tatamis
Dahil ang halo'y luha't paghihinagpis
Ang kirot ay 'di maalis kung labis

Bakit nanaig ang dusa sa ligaya sa ating daigdig?
May dasal ba akong hindi n'ya narinig (ah)
Papel natin sa pag-ibig
Ako'y langis, ika'y tubig (ako'y langis)
Ako'y langis, ika'y tubig



Credits
Writer(s): George Canseco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link