Wala Ka Na

Ilang taon ika'y nasa aking tabi
Biglang nawala ng isang saglit
Ngayo'y hindi ako mapakali
Ikaw ang laging nasa isip

Ba't pa ba ito'y kailangan ba?
Ngayo'y ito ako't nasasaktan na

Bakit pa ito'y kailangang mangyari
Wala ka na sa aking tabi
Noo'y kasama ka hanggang sa panaginip
Ngunit ngayo'y nag-iisa at kay sakit ng nadarama
Wala ka na

Naaalala, dating pagsinta
Ikaw sa puso ko, walang papalit
Ngunit biglang nagbago ikot ng mga tala
Iniwan ako, 'di ko alam kung bakit

Ba't pa ba ito'y kailangan ba?
Ngayo'y ito ako't nasasaktan na

Bakit pa ito'y kailangang mangyari
Wala ka na sa aking tabi
Noo'y kasama ka hanggang sa panaginip
Ngunit ngayo'y nag-iisa at kay sakit ng nadarama
Wala ka na

Ba't pa ba ito'y kailangan bang talaga?
Ngayo'y ito ako't nasasaktan na

Bakit pa ito'y kailangang mangyari
Wala ka na sa aking tabi
Noo'y kasama ka hanggang sa panaginip
Ngunit ngayo'y nag-iisa at kay sakit ng nadarama
Ngunit ngayo'y nag-iisa at kay sakit ng nadarama
Wala ka na



Credits
Writer(s): Titus John D. Monterde
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link