Okatokat

Hoy, mga pare ko, ano'ng nangyari dito?
Bakit biglang namutla ang mukha ko?
Nanginginig, tumindig ang balahibo
Gusto kong sumigaw, gusto kong tumakbo, palayo

Hoy, mayro'n akong nakita
Isang babae na nagpapakita sa kusina
T'wing gabi, nye, White Lady ang dating
Okatokat, nakakapraning

Ako'y kinabahan, dahan-dahang nilapitan
Mula sa likod, bigla ko s'yang sinunggaban
Ako'y napahiya nu'ng nakilala ko kung sino
Si Nanay lang naman pala, akala ko multo

Tatay kong masungit (okatokat)
Kaning mainit (okatokat)
Siyota kong ma-gimmick (okatokat)
Punong-puno ng sabit

Mag-isa sa kuwarto, ano ba naman ito?
Sa gitna ng dilim, kabado na naman ako
Sa 'king paligid, mayro'ng nakatitig
Okatokat, ako ay nanginginig

So, ako ay tumahimik at ako'y kinabahan
Bumaba mula sa kama ko, dahan-dahan
Sabay takbo sa ilaw at bigla kong binuksan
Salamin lang pala, buti na lang

Masamang panaginip (okatokat)
Asong makulit (okatokat)
Teacher kong nakakabuwisit (okatokat)
Na ubod pa ng pangit (okatokat)

Lahat sa aking paligid ay kinakatakutan
Multo, engkanto, at dayuhan
Mga pangyayaring hindi maintindihan
Kapag hindi maunawaan, okatokat d'yan

Okatokat d'yan
Okatokat d'yan
Sana naman, ako ay tantanan
Ayoko ng ganyan
Okatokat d'yan
Okatokat d'yan
Ayoko ng ganyan
Okatokat d'yan
Okatokat d'yan



Credits
Writer(s): Chito Miranda, Rondel Lindayag
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link