Batangas Coffee

Bumangon ka na diyan at baka ika'y kapuyin
Ipunin na ang tubal at ito'y ating usungin
Pagpanaog, dahan-dahan at huwag tutulog-tulog
Mahuna na ang hagdanan at baka ika'y mahulog

Salaula sa babag, 29, balisong
Paglamon o bakbakan, siguradong 'di uurong
Bulalo, lomi at balatong, purunggo at tutong
Huwag mong sasayangin, siguradong mabubusong

Tumatagurtor na ang tuhod ko, pare
Walanjo, naging nerbiyoso dahil sa kapeng barako
Idaan mo na lang sa gin, ala e, with ice na rin
Babarik, babarik, babarik nang babarik

Batangas Coffee, Batangas Coffee
Ala e (ala e, ala e, ala e)

Ano gang iyong problema? Maglaro ka't maglibang
Bayuot ang 'yong mukha, aba'y hindi dapat gay-an
Gusto mo gang mag-jolen, basketball, teks sa daan?
Kakam-baliw ay iwasan at mamahaw ka na laang

Ang galpong ay isalang at sa medyas ay salain
Pagkatapos patiningin ay iulam mo sa kanin
Bulalo, lomi at balatong, purunggon at tutong
Huwag mong sasayangin, siguradong mabubusong

Tumatagurtor na ang tuhod ko, pare
Walanjo, naging nerbiyoso dahil sa kapeng barako
Idaan mo na lang sa gin, ala e, with ice na rin
Babarik, babarik, babarik nang babarik

Tumatagurtor na ang tuhod ko, pare
Walanjo, naging nerbiyoso dahil sa kapeng barako
Idaan mo na lang sa gin, ala e, with ice na rin
Babarik, babarik, babarik nang babarik

Batangas Coffee, Batangas Coffee
Ala e (ala e, ala e, ala e)



Credits
Writer(s): Darius Semaña
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link