Prom

Nanginginig na mga kamay
Puso kong hindi mapalagay
Puwede ba kitang tabihan?
Kahit na may iba ka nang kasama

Ito na ang gabing 'di malilimutan
Dahan-dahan tayong nagtinginan

Parang atin ang gabi, para bang wala tayong katabi
At tayo'y sumayaw na parang 'di na tayo bibitaw
Bibitaw

Nalalasing sa 'yong tingin
'Di malaman-laman ang gagawin
Habang lumalalim ang gabi
Ay lumalapit ang ating mga labi

Ito na ang gabing 'di malilimutan
Tayo'y naglakad nang dahan-dahan

Parang atin ang gabi, para bang wala tayong katabi
At tayo'y sumayaw na parang 'di na tayo bibitaw
Bibitaw

Matapos man ang sayaw, pangakong 'di ka bibitaw, aw
Parang atin ang gabi
Parang atin ang gabi

Parang atin ang gabi, para bang wala tayong katabi
At tayo'y sumayaw na parang 'di na tayo bibitaw
Parang atin ang gabi, para bang wala tayong katabi
At tayo'y sumayaw na parang 'di na tayo bibitaw
'Di na tayo bibitaw



Credits
Writer(s): Vincent Ferdinand Dancel
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link