Kwarto

Maglilinis ako ng aking kuwarto
Na punong-puno ng galit at damit
Mga bagay na hindi ko na kailangan
Nakaraang hindi na pwedeng 'pagpaliban

Ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh

Mga liham ng nilihim kong pag-ibig
At litrato ng kahapong maligalig
Dahan-dahan kong inipon
Ngunit ngayon, kailangan nang itapon

'Di ko na kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon
Mula ngayon

May jacket mong nabubulok sa sulok
Na inaalikabok na sa lungkot
May panyong ilang ulit nang niluhaan
Isang patak sa bawat beses na tayo'y nasaktan

'Di ko na kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon
Mula ngayon
Mula ngayon

Alaala ng lumuluhang kahapon
Dahan-dahan ko na ring kinakahon
Natagpuan ko na ang tunay kong ligaya
Lumabas ako ng kuwarto't naro'n s'ya

Magpapaalam na sa 'yo ang aking kuwarto
Magpapaalam na sa 'yo ang aking kuwarto
Magpapaalam na sa 'yo ang aking kuwarto
Magpapaalam na sa 'yo ang aking kuwarto

Magpapaalam na sa 'yo
Magpapaalam na sa 'yo
Magpapaalam na sa 'yo
Magpapaalam na sa 'yo ang aking kuwarto



Credits
Writer(s): E.dancel
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link