Isang Buhay

Sa bawat buhay ng tao'y mayro'ng pag-ibig na nakahimlay
At ang tanging dapat mo lang gawin, sa aki'y sumabay
Halika na't gisingin natin ang tulog mong diwa
Ibaba mo ang armas at sandatang nakakahiwa

Sa pagkakataong ito, hari aking opinyon
Layunin ko'y magkaisa lahat ng relihiyon
Bilyon ang tao sa mundo kung ating tutuusin
Bawat tao ay may buhay na pwede ring tubusin ng Diyos

Ano mang oras, handa man o hindi
Madadaig mo ba si Kristo sa kanyang pagtitimpi
Habang pasan ang krus at ipinakong walang laban
Mahal ka ng Diyos, hindi mo lang 'to nalalaman

Minsan sa ating buhay, mayro'ng suliranin
At hindi mo matanto kung sasapat ka ba o kukulangin
Basta't mahalaga mayro'ng isang pag-ibig
Umaasang may gabay na nandiyan lang sa 'ting paligid dahil tayo'y may

Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko
Kailangan mo at ng buong mundo
Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko
Kailangan mo at ng buong mundo

Ako'y nabuhay sa mundong hindi inabot ang ama
At inasa ang lahat sa 'king nag-iisang ina
Ang mayakap sya't pasalamatan, gusto ko pa sana
Nang hindi hinahangad saki'y nakalaang pamana

Ngunit, ako ay naligaw, kay haba na ng sungay
Sa tuwing kakausapin niya ko, mata ko'y mapungay
Pinili kong daan, iba sa karaniwang bata
Impiyernong itinuri, mas matindi pa yata

Ang mapayapa at pangakong paraiso
Ay 'di mo makakamtan kung nasa bulsa mo ay piso
Limutin na lang ano man ang maibigan
Kung wala kang pera, walang tapat na kaibigan

Masaklap man ang inabot ko, katulad ba sa 'yo
Istorya ko't maging sayo'y hindi naman nagkalayo
Siguro nga pareho lang tayo ng naranasan
Tuloy pa rin ang luha, ilan beses man punasan dahil mayro'n kang

Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko
Kailangan mo at ng buong mundo
Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko
Kailangan mo at ng buong mundo

Dumalaw sa mga kaibigan para matulungan sila
Na maibsan ang kalungkutan sa kulungan
'Yan ang aking gawain dati kung alam niyo
Sa piling ng mga kasama kong nakabilanggo

Sa mga kasama kong nasa laya na may atraso
Lihim na kung mamuhay at binilang na retaso
At isang pilas ng papel na nilamukos
Kasalanan ba nila kung ang galit biglang mabuhos

At bakit ganon? 'Pag sinabing Muslim ay matapang
'Pag sinabing taga Capiz, mangkukulam, mambabarang
'Pag sinabing waray, walang awa akong pumatay
At 'pag sinabing Pilipino, alipin habang-buhay

Ako ay Pilipino, isa rin sa kinakapos
Tanong ko lang, sino ba yung tinatawag nilang Diyos?
Siya ba 'yung nakasama mo sa madilim na eskinita
At inakay ka sa may liwanag kahit 'di mo siya nakita?

Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko
Kailangan mo at ng buong mundo
Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko
Kailangan mo at ng buong mundo

Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko
Kailangan mo at ng buong mundo
Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko
Kailangan mo at ng buong mundo



Credits
Writer(s): Venzon Malubay
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link