Magkaibang Mundo

Mula sa malayo galing ang pag-ibig ko
Kay tagal ko rin tinago lihim na iniingatan ko
Dahil sa takot, dahil sa kaba
Dahil baka ikaw ay mawala

Parang kay lapit, ngunit magkalayo
Ang magkaiba nating mundo
Sana'y marinig pa rin ang sigaw ng damdamin
Mga bagay na 'di kayang sabihin

Paano kaya kung ako'y maging bahagi ng iyong mundo?
Hindi na itatago, lihim na iniingatan ko
Dahil sa takot, dahil sa kaba
Dahil baka ikaw ay mawala

Parang kay lapit, ngunit magkalayo
Ang magkaiba nating mundo
Sana'y marinig pa rin ang sigaw ng damdamin
Mga bagay na 'di kayang sabihin

Parang kay lapit, ngunit magkalayo
Ang magkaiba nating mundo
Sana'y marinig pa rin ang sigaw ng damdamin
Mga bagay na 'di kayang sabihin

Sana'y marinig pa rin ang sigaw ng damdamin
Mga bagay na 'di kayang sabihin



Credits
Writer(s): Ebe Dancel
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link