Kahit Di Mo Sabihin

Kahit 'di mo sabihin
Aking napapansin
'Di na kita pipilitin
Dahil 'di mo naman aaminin

Nagbago ang higpit ng yakap mo
Nagbago rin kung paano mo tawagin ang pangalan ko
Ang halik mo'y nagbago
'Di ko alam bakit nagkagan'to

Kahit na hindi mo sabihin pa
Nararamdaman kong ayaw mo na
Ayaw mo nang magpatuloy pa
Kahit na sabihing mahal pa kita
Walang magagawa kung ayaw mo na
Paano na? Hindi ko kayang mag-isa

Kahit 'di mo sabihin
Damang-dama pa rin

Wala na ang kislap ng 'yong mata
Tuwing ikaw ay kasama, wala na ang dating saya
Yakap mo'y kay lamig na
Dating sigla, sana'y magbalik pa

Kahit na hindi mo sabihin pa
Nararamdaman kong ayaw mo na
Paano na, 'pagka't hindi ko kaya?
Ayaw ko nang masaktan
Paanong pipigila'ng nararamdaman

Kahit na hindi mo sabihin pa
Nararamdaman kong ayaw mo na
Ayaw mo nang magpatuloy pa
Kahit na sabihing mahal pa kita
Walang magagawa kung ayaw mo na
Paano na? Hindi ko kayang mag-isa
Paano na? Hindi ko kayang mag-isa



Credits
Writer(s): Jonathan Manalo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link