Iyong-Iyong-Iyo - Flying Through the Hills Version

Hirap talikuran ang gan'tong pighati
Lunas sa 'yong lungkot, siya rin ang sanhi
Hindi ko mawaglit sa 'king isip
Ang tanging niloloob at laging hiling ng puso

Titila rin ang ulan
Tatahan at daraan
Pangako sa 'yo, pangako sa 'yo
Ako ay iyong-iyong-iyo

'Di ko sukat akalaing makakarating
Bawat tibok ng akin, tibok mo na rin
Ng puso (Ng puso)
Ng puso

Titila rin ang ulan
Tatahan at daraan
Pangako sa 'yo, pangako sa 'yo
Ako ay iyong-iyong-iyo
Sumpa ko, walang hanggan
Maglaho man ang buwan
Pangako sa 'yo, pangako sa 'yo
Ikaw at ako pa rin hanggang dulo, woh-hoh-hoh

Titila rin ang ulan
Tatahan at daraan
Pangako sa 'yo, pangako sa 'yo
Ako ay iyong-iyong-iyo
Sumpa ko, walang hanggan
Maglaho man ang buwan
Pangako sa 'yo, pangako sa 'yo
Ikaw at ako pa rin hanggang dulo, woh-hoh-hoh

Ikaw at ako (Ikaw at ako)
Ikaw at ako (Ikaw at ako)
Ikaw at ako



Credits
Writer(s): Yuzon, Dilay
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link