Dito Ka Lang

Lagi kang nasa isipan
Ibang bagay ay walang pag lagyan
Dahil sa'yo ko lamang naramdaman
Ang kakaibang pagmamahal

Mga mata'y nagkabangaan
Ngiti sa mukha'y 'di na napigilan
'Pagka't ngayon ko lamang natuklasan
Ang ganitong kaligayahan

Ako'y sa'yo lamang
Pangakong ikaw, ikaw lamang
Walang kapantay ang pag-ibig nating dalawa
Sa'n man dalhin ng hangin, dito ka lang
Lang
Lang
Lang

Umulan, bumagyo o umaraw
Ika'y laging abot tanaw
Sa bawat pagbangon at aking pagkadapa
Ikaw ang kapiling ang tanging kanlungan

Ako'y sayo lamang
Pangakong ikaw, ikaw lamang
Walang kapantay ang pag-ibig nating dalawa
Sa'n man dalhin ng hangin
Dito ka lang sa'king tabi
Mahal, h'wag nang lumayo pa sa'king piling
Ohh dito ka lang (dito ka lang)
Dito ka lang (dito ka lang)

Ako'y sa'yo, sa'yo lamang
Pangakong ikaw, ikaw lamang
Walang kapantay ang pag-ibig nating dalawa
Sa'n man dalhin ng hangin, dito ka lang
Lang
Lang
Lang



Credits
Writer(s): Keiko Necesario, Luis Cortez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link