Paano Na?

Sa bawat gabi na wala ka na sa aking tabi
Napagtanto ko nang 'di na mabalik
Ang pananabik na dati'y tila 'di na magmamaliw

'Di mo ba ramdam ang hapdi
Na dinulot ng luha at pagkasawi
Nitong damdamin na naglaho
Sa masalimuot nating daigdig?

Para bang nagalit ang pagkakataon sa atin
Na ang tanging hangad lamang ay umibig

Ikaw ang tanging mahal
'Di ko inakalang 'di magtatagal
Noo'y umasang walang iwanan
Ngayo'y 'di na kaya pang panindigan
Ang mga salitang binitawan
Paano na'ng pagmamahalan?
Ito na nga ba ang ating hantungan?

Ipinikit ang mga mata
Upang 'di na masaksihan pa
Ang iyong mga hakbang
Na unti-unting naglayo sa atin

Para bang nagalit ang pagkakataon sa atin
Na ang tanging hangad lamang ay umibig

Ikaw ang tanging mahal
'Di ko inakalang 'di magtatagal
Noo'y umasang walang iwanan
Ngayo'y 'di na kaya pang panindigan
Ang mga salitang binitawan
Paano na'ng pagmamahalan?
Ito na nga ba'ng ating hantungan?

Paalam
Ika'y 'di malilimutan, kailanman



Credits
Writer(s): Keiko Necesario
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link