Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko

Kung tayo'y matanda na, sana'y 'di tayo magbago
At kailan ma'y, nasaan ma'y ito ang pangarap ko
Makuha mo pa kayang ako'y hagkan at yakapin, ooh
Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sa 'yo, ako pa kaya'y ibigin mo?
Kung maputi na ang buhok ko

Pagdating ng araw, ang 'yong buhok ay puputi na rin (puputi na rin)
Sabay tayong mangangarap ng nakaraan natin
Ang nakalipas ay ibabalik natin, ooh
Ipapaalala ko sa 'yo ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko

Ang nakalipas ay ibabalik natin, ooh
Ipapaalala ko sa 'yo ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko
Kahit maputi o wala na ang buhok ko



Credits
Writer(s): Valera Rey
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link