Tao

Tulad ng isang ibon, tao ay lumilipad
Pangarap ang tanging nais na marating at matupad
Isip ay nalilito 'pag nakakita ng bago
Lahat ng bagay sa mundo ay isang malaking tukso

Bakit pa luluha?
Bakit maghihirap?
Ayaw mang mangyari
Ay 'di masasabi

Sasaktan mo lamang
Puso ay 'wag sugatan
Ito'y laro lamang
Sa mundong makasalanan

Tubig ay natutuyo, bulaklak ay nalalanta
Araw ay lumilipas, sa gabi rin ang punta

Sasaktan mo lamang
Puso ay 'wag sugatan
Ito'y laro lamang
Sa mundong makasalanan

Tulad ng isang ibon, tao rin ay mamamatay
Pangarap na'ng tanging nais, makarating sa kabilang buhay

Tao, tao sa mundong ito
Sa mundong ito, sa mundong ito, sa mundong ito
Tao, tao sa mundong ito
Sa mundong ito, sa mundong ito, sa mundong ito



Credits
Writer(s): Ke En Zheng, Kai Jun Zheng, Cy & Team, Victer Lim
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link