Minamahal Kita

Aking mahal, iniisip kita
Minimithi na ikaw ang laging kasama
O giliw ko, hindi magmamaliw
Ang pagmamahal na inalay ko sa'yo

Ang puso ko ay para lang sa'yo
Pinapangako kong hindi ako magbabago
Kahit na nag-aalinlangan ka
Hinding-hindi maglalaho ang pagsinta

Minamahal kita, ikaw at walang iba
Tunay at wagas ang pag-ibig na nadarama
Sana ay pagbigyan ang tangi kong hiling
Na magpakailanman ika'y maging akin

Kahit na nag-aalinlangan ka
Hinding-hindi maglalaho ang pagsinta
Manalig ka

Minamahal kita, ikaw at walang iba
Tunay at wagas ang pag-ibig na nadarama
Sana ay pagbigyan ang aking hiling
Habang magpakailanman ika'y maging akin



Credits
Writer(s): Mark Nievas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link