Hindi Ko Na Kayang Masaktan Pa

Pinilit kong pigilin ang aking damdamin
'Pagka't ika'y 'di na dapat pang ibigin
Ikaw pala'y mayroong ibang minamahal
Habang ako'y sa 'ting pagmamahalan lang sumugal

Akala mo ito'y malayo sa katotohanan
At ang puso mo'y nakalaan para sa akin lamang
Bulong ng aking isip ay 'wag kang magtiwala
Sigaw nang puso mo'y 'wag umasa sa maling akala

Hindi ko na kayang masaktan pa
Hindi na maari pang ako'y gamitin na
Isang sunud-sunuran sa iyong mga kagustuhan
At halos ang lahat ay ibigay ko na

Hindi ko na mapapayagan pa
Ang puso mo'y paglaruan ng puso kong gahaman
Ako'y iyong palayain at 'wag mo nang ibigin
Hindi ko na makakaya ang masaktan ka

'Wag mo na sanang patagalin
'Wag mo na akong linlangin
Pagdurusang ito'y hindi na makakaya

Hindi ko na kayang masaktan pa (Hindi makakaya)
Hindi na maari pang ako'y gamitin na
Isang sunud-sunuran sa iyong mga kagustuhan (Isang sunud-sunuran)
At halos ang lahat ay ibigay ko na

Ohh, hindi ko na mapapayagan pa (Hindi ko na kaya)
Ang puso mo'y paglaruan ng puso kong gahaman
Ako'y iyong palayain at 'wag mo nang ibigin (Ako'y iyong palayain)
Hindi ko na makakaya ang masaktan ka, ahh



Credits
Writer(s): Ogie Alcasid
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link