Bakit Ba Minamahal Kita

Nakatulala, di alam ang gagawin
'Di ko maintindihan kung tayo pa rin
Nalilito sa mga sinabi mo
Akala ko, ako lang ang s'yang mamahalin mo

Bigla kang nagbago, 'di ko alam ang dahilan
Ako ba'y iiwan mo? 'Di man lang nagpapaalam

Bakit ba minamahal kita?
Bakit ba palagi mong sinasaktan ang puso ko?
Nababaliw pa rin ako sa 'yo
Bakit ba minamahal kita
Kahit aking nadaramang may mahal ka nang iba
At parang bulag akong umaasa?
Bakit ba minamahal kita?

Nagtatanong kung ano ang gagawin
Para magbalik sa 'kin ang dating pagtingin
Umaasa na sana'y tayo pa
Kahit ngayon ako sa 'yo'y parang balewala

Bakit nagbago? 'Di ko alam ang dahilan
Hindi ko kakayanin kung talagang magpapaalam

Bakit ba minamahal kita?
Bakit ba palagi mong sinasaktan ang puso ko?
Nababaliw pa rin ako sa 'yo
Bakit ba minamahal kita?
Kahit aking nadaramang may mahal ka nang iba
At parang bulag akong umaasa?
Bakit ba minamahal kita, oh

Bakit ba minamahal kita?
Bakit ba palagi mong sinasaktan ang puso ko?
Nababaliw pa rin ako sa 'yo
Bakit ba minamahal kita?
Kahit aking nadaramang may mahal ka nang iba
At parang bulag akong umaasa?
Bakit ba minamahal kita

Bakit ba mahal kita?
Mahal na mahal kita



Credits
Writer(s): Jonathan Manalo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link