Saan Darating Ang Umaga

Bakit ba pinagtagpo?
Pala'y maglalayo tayo sa ating buhay
Ang araw na kay ganda
Ba't nang lumisan ka ay nagdilim ang kulay?

Ang umaga'y nagtampo
Ano't kasama mo, luha ang tanging iwan
Kung s'ya ma'y magbabalik
Ako'y nananabik kung kailan at saan

Darating ba s'yang kasama ka?
Masasalubong man lang ba kita?
Subalit ako'y nag-alala
Kung ako'y mahal mo pa

Kahit pa ano'ng hadlang
Mananatili kang mahal sa aking tunay
May umaga man pala
Kung 'di ka n'ya dala, ito'y walang buhay

Darating ba s'yang kasama ka?
Masasalubong man lang ba kita?
Subalit ako'y nag-alala
Kung ako'y mahal mo pa

Kahit pa ano'ng hadlang
Mananatili kang mahal sa aking tunay
May umaga man pala
Kung 'di ka n'ya dala, ito'y walang buhay



Credits
Writer(s): George Canseco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link