Bago Ang Lahat

Ang haba ng tulog ko, masyadong masarap
Daig ko pa ang batang bagong panganak
Ni hindi ko nga alam kung paano naganap
Paggising ko bigla nalang nagbago ang lahat

Yung taxi, kwarenta na ang flagdown sa metro
Tapos halos dose pesos bawat kilometro
Siguradong mababad-trip dito si Rizal
Barya nalang ang sampung piso, literal

Boksingerong kongresista, pwede na
Palakasan sa pulitika, et cetera
Hindi na uso ang silya elektrika
Tapos si Rustom Padilla may dede na

Tigok na si Saddamm, patay na si Osama
Nag-tsunami sa Japan, buti buhay pa si Ozawa
Halalan sa Amerika, nanalo si Obama
Puti na ang pisara, bagong simula na

Bago ang lahat, alam mo ba na ang
Lahat ay nagbago na
Lahat ay nagbago na
Bago ang lahat, alam mo ba na ang
Lahat ay nagbago na
Lahat ay nagbago na

Pabago-bago, pabago-bago
Pabago-bago, pabago-bago
Pabago-bago, pabago-bago
Ang panahon at isip ng tao

Sa aking pagbalik, halos walang nagbago sa itsura
Ganun pa rin ang bakod, bago lang ang pintura
Mailaw na lansangang, bagong gimikan
Pare-pareho lang ang ulam, bagong init lang

Sa panghi, tingnan natin kung hindi ka mandiri
Sa pader, kung san nagpapataasan ng ihi
Panay bagong mukha ang nasa gitna
Dating salim-pusa, naging aso bigla

Nawala na yung dating mga kasama ko lagi
Nag-anyong gusali at nagpakabahay kunwari
Sa ilog ng pagsubok lulutang ang ugali
Nagbago ang galawan nawala lang yung hari

Ang daang bako-bako, sana maging semento
At ang daang liko-liko, sana maging deretso
Pilit kong inisip, ano nga bang nag-iba?
Sino nga bang nagbago, ako ba o sila?

Bago ang lahat, alam mo ba na ang
Lahat ay nagbago na
Lahat ay nagbago na
Bago ang lahat, alam mo ba na ang
Lahat ay nagbago na
Lahat ay nagbago na

Pabago-bago, pabago-bago
Pabago-bago, pabago-bago
Pabago-bago, pabago-bago
Ang panahon at isip ng tao

Taong dalawang libo't-labing dal'wa
Habang tumatagal ang mundo nag-iiba
Walang permanente kundi ang pagbabago
Dating luntian, unti-unti nang naglalaho

Tubig sa ilog pasig, pwedeng inumin dati
Tinitingnan ka ng mata ng Illuminati
Salamat sa wakas mayro'n ng DVD copy
Mayro'n narin pirata, pati Issey Miyake

Para sa'n pa ang TV, kung mayro'n ng PC
Aanhin pa ang encyclo kung mayro'n ng Wiki
Buong mundo nasa dulo ng daliri mo
Kahit ano pwede mong ituro sa sarili mo

May bago kang phone, ano ang gagawin mo?
Kung may lumalabas na masbago kada-linggo
Sa bilis ng oras wala ng kamay ang mga relo
Baka di mo nalang mamalayan biglang mamatay ang katabi mo

Bago ang lahat, alam mo ba na ang
Lahat ay nagbago na
Lahat ay nagbago na
Bago ang lahat, alam mo ba na ang
Lahat ay nagbago na
Lahat ay nagbago na

Bago ang lahat, alam mo ba na ang
Lahat ay nagbago na
Lahat ay nagbago na
Bago ang lahat, alam mo ba na ang
Lahat ay nagbago na
Lahat ay nagbago na

Pabago-bago, pabago-bago
Pabago-bago, pabago-bago
Pabago-bago, pabago-bago
Ang panahon at isip ng tao (ng tao, ng tao, ng tao, ng tao)



Credits
Writer(s): Marlon Peroramas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link