Tao Lang

Uy, si Loonie 'yon, ah? Tara, lapitan natin
Idol, fliptop tayo! (Tara, isa lang, kuya, sige na)

Parinig naman ng rap mo, sample naman d'yan
Ang ganda naman ng cap mo, arbor na lang 'yan
Ang yabang mo naman, wala ka bang kanta na bago?
Bakit wala kang battle? Takot ka bang matalo, ha?
Paulit-ulit ang tanong ng mga tao
Huwag sanang apurado, ano'ng magagawa ko?
Wala akong maisip, masyado pang mainit
Akala mo tuloy, mukhang suplado 'pag tahimik

Pagod lang talaga, galing gig, Tuguegarao
Walong oras sa van, tatlong oras sa kalabaw
Tapos pag-uwi ko pa, para bang hindi ko malaman
Kung bakit ang buhay ko ay para bang naging pelikula
Laging puyat, nagkalat ang papel na nilamukos
Ang dami ng kapeng ipinautos
Tinta ng aking ballpen, malapit nang maubos
Isang patak na lang pero aking ibubuhos

Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko?
Ako ay tao lang din naman na tulad mo
Ano ba ang dapat na gawin? Dapat bang kamuhian
O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang?

Pasensiya na (tao lang)
Pasensiya na (tao lang)
Pasensiya na (tao lang)
Pasensiya na

Kasi, sapul sa pagkabata, sablay no'ng tumanda
Lumakad, humakbang, hanggang sa madapa
Huwag kang mawawalan ng pag-asa, huwag kang madadala
Kung wala ka pang mali, wala ka pang nagagawa
Madadapa ka muna bago ka matutong lumakad
Ang buhay ay utang, hulugan ang bayad
Kaya huwag kang matakot magkamali
Pero alalay lang, huwag kang masyadong magmadali

'Yan ang sabi sa akin ng aking itay
Na pinapaalala palagi sa 'kin ni inay
Na kadalasan ay hindi nasusunod
Ayoko nang sumali, gusto kong manood
Minsan, wala nang gana, ayoko nang mag-rap
Kasi akala ko dati, alam ko na'ng lahat
'Yon pala, kulang pa ang kaalaman kong labis
Ngayon, alam ko na kung ba't may pambura ang lapis

Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko?
Ako ay tao lang din naman na tulad mo
Ano ba ang dapat na gawin? Dapat bang kamuhian
O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang?

Pasensiya na (tao lang)
Pasensiya na (tao lang)
Pasensiya na (tao lang)
Pasensiya na

Pero 'di ba, tao ka lang din? 'Di mo ba napansin?
Kahit anong taas mo na, titingala ka pa rin
Kahit planuhin mong mabuti, bakit gano'n pa rin?
'Di maiwasan na magkamali kahit ano'ng gawin
Kadalasan, nangyayari ay ang kabaliktaran
Marami kang detalye na makakaligtaan
Mamamali ka ng daan lalo kung wala kang ga'nong alam
Ano'ng magagawa mo, tao ka lang?

Napapagod, natatakot, naiinip
Natatawa, nagtataka, naiinggit
Nangangawit, nagagalit, nabibigla
Nalulungkot, nauutot, nahihiya
Natutukso, nakokonsensiya
Nauubusan din ng pasensiya
Nasasaktan, nagmumura
Pero nagmamahal pa rin kahit natuto na

Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko? (Mali ba na magkamali?)
Ako ay tao lang din naman na tulad mo (ako'y katulad mo, yeah)
Ano ba ang dapat na gawin? Dapat bang kamuhian (tulad mo, tulad n'ya)
O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang? (Ano ba? Ano ba?)

Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko? (Uh, mali ba na magkamali?)
Ako ay tao lang din naman na tulad mo (tao lang, pasensiya na)
Ano ba ang dapat na gawin? (Ano ba?) Dapat bang kamuhian (ano ba?)
O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang?

Pasensiya na (tao lang)
Pasensiya na (tao lang)
Kagaya mo (tao lang)
Pasensiya na, yeah (kagaya mo, oh, yeah)
Pasensiya na, uh (tao lang)
Pasensiya na (wala tayong pagkakaiba)
Pasensiya na, sorry naman
Kung pwede lang sanang isoli na lang, pasensiya na



Credits
Writer(s): Marlon Peroramas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link