Bakit Sa'yo Pa

Bakit pa tayo'y nagkakilala?
Bakit pa ganda mo ay nakita?
Bakit ka pa napamahal sa akin?
Kung 'di rin lang kita makakapiling?

Sa 'yo pa nagising ang damdamin
Sa 'yo pa puso ko'y nahaling
Sa 'yo na hindi na malaya
Sa 'yo pa na bawal mahalin

Tamis ng ngiti mo'y lagi nang hinahanap
Sigaw ng puso'y tanging ikaw
Ngunit hindi dapat at wala akong lakas
Upang ibigin ka hanggang wakas

Sa 'yo pa nagising ang damdamin
Sa 'yo pa puso ko'y nahaling
Sa 'yo na hindi na malaya
Sa 'yo pa na bawal mahalin

Sa 'yo na hindi na malaya
Sa 'yo pa na bawal mahalin



Credits
Writer(s): Rey Gob, Max Surban
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link