Dalagang Probinsiyana

Isang probinsyana sa aking puso'y humalina
Ang ugali niya'y parang Maria Clara
Hindi agad makakamit ang kanyang pagsinta
Kailangan pang suyuin siya

Kailangan pa bang ako'y mangharana?
Magsibak ng kahoy, umigib ng tubig?
Kailangan pa bang manuyo nang taon
Upang maniwala kang tunay kitang mahal?

Mahabang panahon na ang aking pinagtiis
Upang makamit ang kanyang pag-ibig
'Di rin pansin ang hirap ng aking damdamin
Hanggang kailan ako magtitiis?

Kailangan pa bang ako'y mangharana?
Magsibak ng kahoy, umigib ng tubig?
Kailangan pa bang manuyo nang taon
Upang maniwala kang tunay kitang mahal?

Kailangan pa bang ako'y mangharana?
Magsibak ng kahoy, umigib ng tubig?
Kailangan pa bang manuyo nang taon
Upang maniwala kang tunay kitang mahal?

Nangangamba ka ba sa aking pagsinta
Na baka pagluha ang sa 'ki'y makamit?
Asahan mo, aking giliw, pag-ibig ko'y walang maliw
Ikaw lamang ang aking iibigin

Ikaw lamang ang aking iibigin
Ikaw lamang ang aking iibigin
Ikaw lamang ang aking iibigin
Ikaw lamang ang aking iibigin



Credits
Writer(s): Roel Cortez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link