Bakit Di Kita Malimot

Bakit di kita malimot?
Bakit di kita maiwan?
Lalo't aking nalalaman,
Ang puso mo ay salawahan.
Bakit mo ako inibig?
Kung ang dulot mo ay pasakit,
At ako'y naliligalig,
Sa halik mong wala nang tamis.

Sa bawat saglit aking nasasambit,
Na ikaw ngayon ay di ko na iniibig.
Ngunit kung di kita namamasdan,
Ang lahat sa buhay ko ay karimlan.
Bakit di kita malimot?
Bakit di kita maiwan?
Kung tunay mang ako'y mahal,
Maging tapat sa akin, hirang.

Sa bawat saglit aking nasasambit,
Na ikaw ngayon ay di ko na iniibig.
Ngunit kung di kita namamasdan,
Ang lahat sa buhay ko ay karimlan.
Bakit di kita malimot?
Bakit di kita maiwan?
Kung tunay mang ako'y mahal,
Maging tapat sa akin, hirang.



Credits
Writer(s): Vincent T Delos Reyes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link