Naghihintay Sayo

Muling bumabalik, mga alaalang mga nakalipas
Laging ngumiti sa tuwing ika'y biglang naaalala
Ako'y nananabik sa bawat sa sandali na makapiling ka

Ano bang dahilan? 'Di maintindihan
Saan nagkamali itong damdamin ko?
Saan ka naroon?

Bakit ba nagkaganito? Ano bang dahilan?
Hanggang ngayon ako'y gulong-gulo
Sana'y maintindihan, h'ang ngayon ako'y nasasaktan
At iniwan mong naghihintay sa 'yo

Kailan makakamit mga nananatiling panaginip
Ang iyong pagbabalik, walang hangganan na paghihintay
At kahit anong sakit, hindi mapigilan ang damdamin na umaasa

Ano bang dahilan? 'Di maintindihan
Saan nagkamali itong damdamin ko
Saan ka naroon?

Bakit ba nagkaganito? Ano bang dahilan?
Hanggang ngayon ako'y gulong-gulo
Sana'y maintindihan, h'ang ngayon ako'y nasasaktan
At iniwan mong naghihintay sa 'yo

Kahit saan tumingin (Saan tumingin)
Larawan mo pa rin ang natatanaw
Dumadalas kahit saan ay nangangarap na makapiling ka, sinta

Bakit ba nagkaganito? Ano bang dahilan?
Hanggang ngayon ako'y gulong-gulo
Sana'y maintindihan, h'ang ngayon ako'y nasasaktan
At iniwan mong naghihintay sa 'yo
Naghihintay, naghihintay sa 'yo, ooh



Credits
Writer(s): Anthony Carpio
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link