Kahit Gaano Kalayo

Kahit gaano ka kalayo
Ramdam pa rin pag-ibig mo
Paglalagas ng kalendaryo
'Di mapigilan
'Di mapigilan, mahal

Tanging ligaya mo ang s'yang nais ko
Sa 'yo'y nakalaan mga pangarap ko
'Wag kang bibitaw, ang puso'y sumisigaw
Ako'y nananabik, ako'y magbabalik sa piling mo

Pasalubong na lang ang dumadalaw
Pumapatak ang luha, 'di ka matanaw
Isang tanong sa Maykapal
Matitiis ko ba?
Magtitiis pa ba, sinta?

Tanging ligaya mo ang s'yang nais ko
Sa 'yo'y nakalaan mga pangarap ko
'Wag kang bibitaw, ang puso'y sumisigaw
Ako'y nananabik, ako'y magbabalik sa piling mo

Ikaw ang s'yang mahal, ang nagbibigay lakas
Wala nang dadaig pa o hihigit pa sa atin
Ni minsan hindi ka naalis sa aking damdamin

Tanging ligaya mo ang s'yang nais ko
Sa 'yo'y nakalaan mga pangarap ko
'Wag kang bibitaw, ang puso'y sumisigaw
Ako'y nananabik, ako'y magbabalik sa piling mo



Credits
Writer(s): Anthony Carpio
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link