Bakit Ba

Bakit ba parang kang nalalayo sa 'kin?
'Di pa ba sapat ang pagmamahal ko sa 'yo?
'Di ba mula pa noon, ikaw lang ang pinapansin?
'Di ba't hanggang ngayon, ikaw lang ang minamahal?
Sinasamba, wala nang iba

Bakit ba, pagsuyo ko'y 'di na napapansin?
Mayro'n lang akong nagawang pagkakamali
Sabi mo pa noon, pag-ibig mo'y 'di magbabago
Sana naman ngayon, aminin mo na mayro'n ka nang
Ibang minamahal at 'di na ako

Kung mayroon ka nang ibang minamahal
Isipin mo lang kung kayo'y magtatagal
Pagkat nandito ako
Naghihintay sa 'yong pagbabalik

Bakit ba ikaw ang naturing kong mahalin?
At tila ba ginising mo ang puso kong nahihimbing
At magmula noon, ikaw lang ang pinapansin
Kahit hanggang ngayon, ikaw lang ang minamahal
Sinasamba, wala nang iba

Kung mayroon ka nang ibang minamahal
Isipin mo lang kung kayo'y magtatagal
Pagkat nandito ako
Naghihintay sa 'yong pagbabalik

Bakit ba parang kang nalalayo sa akin?
Bakit ba, pagsuyo ko'y 'di na napapansin?
Bakit ba ikaw ang naturing kong mahalin?
Bakit ba, oh, bakit ba?



Credits
Writer(s): Boboy Garrovillo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link