Tuyo Na'ng Damdamin

Minsan, kahit na pilitin mong uminit ang damdamin
'Di s'ya susunod at 'di maglalambing
Minsan, 'di mo na mapigil mapansin
Na talagang wala nang naiiwan na pagmamahal

At kahit na ano'ng gawin, hindi mo na mapilit at madaya
Aminin sa sarili mo na wala ka nang mabubuga

Parang 'sang kandila na nagdadala ng ilaw at liwanag
Nauubos rin sa magdamag

At kahit na ano'ng gawin, 'di mo na mapilit at madaya
Aminin sa sarili mo na wala ka nang mabubuga

'Di na madaig o mabalik ang dating matamis na kahapon
'Pilit ma'y tuyo na'ng damdamin



Credits
Writer(s): Jaime Paredes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link